For you, Last na.
u know what? I actually wanted to tell this to you in person. I wanted to know what you think and I wanted you to tell me too how you felt because we never really talked about why we broke up. I thought I owe it to you to talk about it in person. sabi ko sa sarili ko basta kapag nagkita ulit kami ni Mark mag-uusap kami niyan ng matino or kahit atleast over the phone. but actually, I think the real reason I wanted to talk to you was more for myself. I want to have peace of mind and resolve all the questions that I have. Minsan ang tigas ng ulo ko, parang gusto pa niya na marinig na sabihin mo talaga sa akin na hindi mo na ako mahal para tigilan na ang pag-isip sa iyo.
I'm emailing you now kasi ayoko na antayin na kausapin ka pa. I want to get over with. Emailing your mom is actually like therapy for me cause she tells me what's happening to you. Nagkasakit ka nga daw nung New Year at sobrang alala siya at buti nawala agad fever mo. Sabi din niya nakakumpleto kayo daw ng simbanggabi. Tapos proud daw siya sa iyo kasi yung mga kasama niyo sa community ninyo super last minute pinalitan ka for your role as Joseph or something. Proud siya sa iyo dahil hindi ka daw naasar at naintindihan mo sila at inexplain mo pa sa mama mo. Hindi ko naman ikaw tinatanong sa kanya pero kwento pa rin siya ng kwento. Lalo siyang natutuwa kasi tumutugtog ka na daw ulit sa mga misa. nung una parati akong nasasaktan at gusto ko sabihin na wag ka na lang namin pag-usapan at ayaw ko na actually sagutin mga email niya. pero syempre gusto ko rin malaman ano nangyayari sa iyo.
Nasa Paris nga kami nung nabasa ko email niya na kayo na daw ni Judith. Nandon nga sila kaye, hindi ko talaga mapigilan luha ko. nanghina talaga ako. I was working so hard to get over you tapos akala ko ok na ako at happy na ako tapos nung nalaman ko yon shet bakit ang sakit pa rin.
Sabi nila kaye maawa daw ako sa sarili ko at kalimutan na kita. parati nila ako pinapatawa so enjoy din nman ako sa Paris. so yon gusto ko na sana tapon yung fne ko, kasi mga 70 text messages doon galing sa iyo, para masagasaan na ng metro train sa Paris pero binura ko na lang silang lahat kahit hindi pa ako ready burahin sila. tapos binigay ko kay kaye at kay abby pictures natin para hindi ko na makita. tapos binura ko na number mo sa phone ko para hindi na ako magmakaawa sa iyo or baka send pa kita ng hate text messages. tapos yung mga binigay mo sa akin binigay ko kung kaninino para hindi ko na sila makita. pati yung watch binigay ko kay eg kahit gusto ko siya. tapos everytime magkwento mama mo tungkol kay judith na sumasama ka daw sa school niya at nag-aaral daw siya ng law. Tinatawag mo daw siyang baby. tapos maiiyak nanaman ako. kasi ouch, ako tumatawag sa iyo ng baby noon, tapos tawag mo sa akin mahal. tapos naging baby na rin tawag mo sa akin. pero ngayon si judith na.
sabi ng mama mo ang parati mong sinasabi sa mga tao kaya tayo nag-break-up kasi hindi na kita mahal. kapag tinatanong ka daw parati mo sinasabi, e ayaw na ni Camille sa akin e. somehow I felt guilty about that kasi ako nga nag-text na nahihirapan ako. at the same time nasaktan din kasi never ko sinabi sa iyo na hindi na kita mahal. siguro nga ma-pride tayong dalawa. dati sabi mo kaya natin ng long distance relationship, parang napagod ka na rin siguro. nagulat nga ako kasi parang wala lang, you just let me go. like natanggap mo na before hand na break na tayo kahit hindi pa natin napapag-usapan. kasi sinabi ko na nahihirapan ako. siguro kasalanan ko rin kasi ako ang nagsimula non at dapat ako ang bumawi ng sinabi ko. pero afterawhile napansin ko rin that you stopped trying to text or email me. so i guess ayaw mo na rin. at ayaw ko naman magpilit ng tao kung ayaw. (naalala ko ikaw din ayaw mo nagpipilit din.)
hehe... siguro gusto nga ako ni Tita Dory para sa iyo kasi sinasabi niya sa akin na email daw kita kung ano ang nararamdaman ko. Sabihin ko daw sa iyo na mahal kita kasi natanim na sa utak mo na hindi kita mahal. Parati ko naman sinasabi sa kanya na may mahal ka nang iba at sana tanggapin na lang niya yon. sinsabi ko sa kanya bigyan niya ng chance si judith, gaya ako dati, napansin ko mejo ayaw niya rin ako dati.
hmmm... naalala ko lang nung pagkatapos natin mag-usap na wala na talaga tayo. narinig ako ni papa umiiyak. e wala non si mama. parang nagpapanic siya at tinanong niya bakit daw ako umiiyak. tapos hindi ko talaga mapigilan pagiyak ko kaya hindi ako makasagot. tapos tinanong niya kung ikaw ba daw at kung wala na tayo, tapos nag-oo lang ako. nagulat ako, kasi naiyak din siya bigla. kaya lalo akong naiyak. haha. mejo nakakatawa at ang cute namin. tapos niyakap lang niya ako.
bakit ngayon lang ako nag-email ng ganito? kasi mejo ok na ako ngayon at kung dati kita inemail baka kung ano anong masasamang nasabi ko at baka namura pa kita kasi nagulat ako ang bilis mo magka-girlfriend. pero siguro ganon lang talaga buhay at hindi pa ako sanay. tapos, may nabasa rin kasi ako profile mo sa yahoo at sinabi ko sa sarili ko tapusin na itong kalokohan na ito.
eto lang ang talagang nainis ako, I was looking at you new profile sa yahoo messenger. tapos nakalagay, "i have a gf since 20.05.2004... hehehe." so MAY 5, 2004 yon. even before your birthday. mga 2 months ka pa lang non sa vienna. e bakit hindi mo sinasabi sa akin? I was even counting until after that kung ilang months na tayo. shet ang pathetic ko no. you go telling other people na ayaw ko na sa iyo but you don't have the balls to to break of with me yourself before getting a new girlfriend? I couldn't believe it. but it came from you so what the hell.. it must be true.
Alala ko yung sabi mo sa akin dati sa vienna sa bahay ni tita yoli, next time huwag ko ibigay agad sarili ko sa lalake. (sabi mo pa dali ko makalimot ng mga bagay at wala ako halos natatandaan.. yan proof na may natatandaan ako! :p) I guess you were actually right.. i had this notion that my 1st boyfriend was going to be my last one... hmmm.. mukang hindi talaga ganon sa totoong buhay.
I don't expect you to reply, or even read this whole thing. Like I said, maybe this is more for myself. gusto ko sabihin ang nararamdaman ko para maubos na lahat ng lungkot ko. I want to kill every hope in me that keeps saying that maybe you still do love me. parati ko sinasabi sa mama mo na tanggapin na niya na iba na girlfriend mo pero nakakatawa kasi parang sinasabi ko rin yon para ma-convince sarili ko. Ang sakit e, kapag naalala kita parati ko naiisip na kasama mo si judith. kaya ayaw ko na lang isipin at all.
so yun lang. nasaktan din siguro kita in ways I don't even realize. I'm sorry. if you want to tell me about it that's fine. if not, that's fine as well.
basta, Bagong taon. Bagong buhay.
Current Mood:
reflective,a bit sad & angry